Grade 12 Student At Proud Batang Ama Ang Lalake Na Ito. Alamin Ang Kanyang Nakaka-INSPIRE Na Kwento. - NEWS INFO PH



Grade 12 Student At Proud Batang Ama Ang Lalake Na Ito. Alamin Ang Kanyang Nakaka-INSPIRE Na Kwento.

Tila naging isang inspirasyon para sa isang Grade 12 student ang pagiging batang ama. Sa edad na 18, nagsabay sabay ang kanyang mga responsibilidad sa buhay.

Isang estudyante, isang call center agent at ngayon ay isa nang ama. Pero ni minsan, hindi sumagi sa isip nya ang iwan ang kanyang anak upang makatakas sa isang mabigat na responsibilidad.

Basahin ang kanyang kwento at ma-inspire:

"ANONG TALENT MO?"



Kaya kong pagsabayin ang pag-aaral, Pagtatrabaho at pagiging isang Mabuting Ama.



Oo tama ang iyong nabasa. Isa akong Grade 12 STEM Student, Call Center Agent at Responsableng Ama. 

Ako'y 18 years old na tinatawag ng marami ng "batang ama". Pero naisip ko lang, edad lang naman ang nagiging basehan kaya natawag na "batang ama". 


Hindi ako "batang ama" dahil hindi ako takot sa mga pwedeng mangyari. Hinarap ko ang aking dapat harapin. Hindi ako tulad ng iba na May Katandaan na kumpara sa akin ay nagawa pa ring talikuran ang kanilang Resposibilidad sa kanilang Anak. 

Hindi ako "batang ama" na pasarap lang sa mga makamundong gawain na matapos magka-anak, ay tuloy pa din sa kalokohan nila. Hindi ako nagsisisi sa nagawa ko. Dahil ako ang may kagagawan nito, pananagutan ko ito. Ayokong matulad ang anak ko sa mga Iresponsableng Ama na iniwan at hindi pinanagutan ang kanilang ginawa. Maituturing kong ako'y isang Responsableng Ama, na sa kabila ng hirap ng Isang Estudyante at Isang Empleyado ay hindi ko kailanman naisipang sumuko. 

Aral sa hapon, trabaho sa gabi hanggang umaga. Aral sa hapon at trabaho sa gabi hanggang umaga. Konti nalang ang natitirang oras sa pahinga ko pero hindi pwedeng sumuko. Kasama ko ang pamilya ko sa pagharap sa pagsubok na ito. 

Hindi nila ako kailanman iniwan. Pati na rin ang pamilya ng aking soon to be wife :) Salamat po sa inyong suporta, mula simula at hanggang sa walang katapusan. Syempre. Hinding hindi ko makakalimutan na Gumagabay sa amin sa lahat ng oras. 

Ang Panginoong Diyos. Hindi niya ako pinabayaan. Kami ng pamilya ko. Alam kong mas mabuti ang kanyang Plano kaysa sa Pangarap ko. 

Kaya sa mga "batang magulang" na gaya ko, Wag ka tumigil sa buhay. Harapin mo ng may kasiyahan ang bawat problema. Hindi hadlang ang isang bagay upang maabot natin ang ating mga pangarap. At sa mga Kabataang sumubok na. Mag-iingat kayo! Huwag ninyong madaliin  ang inyong kabataan. Mag-aral. Mangarap. At Magdasal. 

Nagpost ako para maghatid ng Inspirasyon. At maging motivated ang bawat kabataan na tulad kong nangangarap. Mahal tayo ng Diyos!




Grade 12 Student At Proud Batang Ama Ang Lalake Na Ito. Alamin Ang Kanyang Nakaka-INSPIRE Na Kwento. - NEWS INFO PH Grade 12 Student At Proud Batang Ama Ang Lalake Na Ito. Alamin Ang Kanyang Nakaka-INSPIRE Na Kwento. - NEWS INFO PH Reviewed by Tunying on September 29, 2017 Rating: 5

No comments