"Happy Birthday... " Nakita Nila Ang Lalakeng Ito Na Nasa Isang Fast Food Chain Pero Hindi Naman Kumakain At Ang Order Ay Para Lang Sa Kanyang Apo. Kilalanin Si Kuya Boy At Tiyak Hahanga Rin Kayo. - News Info Ph
"Happy Birthday... " Nakita Nila Ang Lalakeng Ito Na Nasa Isang Fast Food Chain Pero Hindi Naman Kumakain At Ang Order Ay Para Lang Sa Kanyang Apo. Kilalanin Si Kuya Boy At Tiyak Hahanga Rin Kayo. - News Info Ph
Nakita ng mga estudyante ang tagabantay ng kanilang CR sa eskwelahan na nasa isang sikat na fast food chain at talagang nacurious sila kung ano ang ginagawa nito sa loob. Nakita nila na may dala itong order pero parang pang isang tao lang kaya hindi nila napigilan ang magtanong kay kuya Boy at hindi nila inaasahan ang kanilang natuklasan.
Basahin ang kanilang post at ang kwento ni kuya Boy na talagang nakapagpabago sa pananaw ng mga estudyante.
Just want to share this guys ☺Almost lahat naman ng taga East kilala na si Kuya Boy yung nagbabantay ng banyo naten minsan naglilinis ng kalat naten, sumasaway den sa mga cutting classes na student and palabiro sya of course.
minsan ay nagagalit sya kase sa pagaabuso ng mga estudyante and sa hindi tamang asal well napagalitan na din naman ako i feel you guys pero di na ten alam na nababastos pa sya kahet marangal naman maituturing ang trabaho nya di katulad ng iba na puro tambay lang. Pero first of all di po kame nagpapansin o para lang magpadami ng likes pero sana maging open po and aware po tayo.
Gusto po namen respetuhin yung mga gantong katulad na ama kaya way na ren namen po ito para ishare yung greatness na ginawa nya.
Pakibasa na lang po ah kahet hindi na unique tong ganto pero gusto pa den namen ishare share ko lang ah nakita namen sya kahapon sakto Grand parents day pabati na ren sa lahat ng Grand parents sa buong mundo yun na nga nakita namen po sya sa Jolibee Dasma Hypermarket and di namen inasahan na nandun sya then parang nakapambahay lang simple lang hindi nakapangalis, shorts, tsinelas basta kung pano naten sya lagi nakikita ganon parang natural lang kase nakaupo lang kame sa may take out area then biglang napansin namen ng kaibigan ko na nandun pala sa Jolibee si Kuya Boy sa totoo lang pinagtawanan namen sya kase feel at home lang sya sa Jolibee and sabi ko "Aba yumayaman na si Kyah boy may pa Jolibee na ang lolo mo"
pero natawa na lang den sya tas kumaway sabay sabi "Uy grabe kayo anyaman nyo na umaabot na kayo dito ah hahaha" binabati namen sya kase nga magkakilala kame kase close na namen sya kase sya yung bantay ng cr boys then di namen napansen yung dala nyang crate may dala syang isang meal ng Fried chicken with rice tsaka Sundae na sya mismo may dala ayun natawa kame kase isip namen bigla lang yumaman si Kyah Boy pero nacurious na kame kung sya ba kakain nun kase magisa lang sya pero nagulat kame kase umupo sya bigla sa pangdalawahang seat lang kasama yung bata na hindi pa namen kilala that time pero sa dala na den ng curiousity namen lumapit na kame sa kanya kase hindi talaga sya kumakain, tanging dala nya ay isang kahang sigarilyo with matching posporo tapos nashock kame baket di sya kumakain
edi lumapit na kame then pagkalapit namen kinausap namen sya, "Kyah Boy bat po kayo nandito? " sabe nya naman "Ah Happy Birthday sa lahat ng may birthday ah" medyo di namen nagets yun pero nung tinuro nya yung apo nya sabe nya "Uy apo ko nga pala, bday nya ngayon" bigla kame naawa talaga kase feeling namen paluha na sya habang tinitignan nya yung apo nyan habang nakain ng meal, naawa talaga kame sa kanya kanina kase kaya pala sya nabati sa lahat ng may bday siguro bday ng apo nya and way nya na yun para itreat yung apo nya.
Then habang tinitiis nya yata yung gutom parang napapaluha na sya then inakbayan nya yung kasama namen then may sinabe sya about answerte daw namen ganon kaya naawa talaga kame sa kanya kase ginagawa nya talaga lahat para lang maitaguyud yung natitira nyang miyembro ng pamilya, natatawa pa nga ko sa kanya dati kase hanggang sa cr nagtitinda ba naman ng candy,
tas naalala ko nun sa sobrang gutom nya habang nasa cr ako is nangutang na sya at sinabe nyang ibabalik nya kailangan nya lang daw talaga ng pera kaya nangutang sya para makakain lang eh kaso wala kong extra money that time kaya sampung piso lang naibigay ko sa kanya di sapat yun pero wala talaga kong pera nun, ayun lang nakakabilib diba kase kahet ganon lang yung sources ng income nya nagtatyaga pa den sya para lang sa mga apo at anak nya imagine magkano yung meal almost 100 pesos na yun siguro kasama na yung sundae then yung kinikita nya sa pagbebenta ng kendi at pagtatapon ng basura ay hindi pa sapat sa isang daan para lang sa ikasisiya ng apo nya ginastos nya talaga.
Siguro di pa naten maiintindihan kung anong mundong ginagalawan nya pero di naten alam matindi yung pinagdadaanan ni Kuya Boy na lagi nating minamaliit at binabastos pero kahet ganon di pa ren sya nagsawang magtyaga para sa mga anak at apo nya. Yung point namen is dapat di na naten ibase ang isang tao sa kung ano ang kalagayan meron sya pero yung kung pano nya nilalampasan yung problema nya beyond sa hirap na kanyang nilalabanan.
Honestly akala ko talaga nung una masungit sya and honestly sinasagot ko sya kase ang higpit nya pagdating sa rules ng cr yung tipong pipiliin mong huwag na lang umihi kase puro sya sermon pero sa kabila non is may napaka tulungin at matyaga nyang ama sa mga anak nya.
Since isa lang din naman kameng estudyante sabe namen bigyang respeto na lang naten si Kuya Boy kase hindi natin alam kung gano kahirap yung ginagawa at sakripisyo nya para lang sa ikakasaya ng pamilya nya. Bigyang galang na lang naten sya, kase ako talaga minsan naasar ako sa kanya lalo na pag sa cr eh kaya ngayon sana aware tayo sa mga gantong magulang na naghihirap lang para sa mga anak nila kaya sana wag na tayo dumagdag sa mga problema nya and kung maari tulungan na lang naten sya sa abot ng ating makakaya ☺
pinapapost nila saken para daw po makatulong hindi manghingi ng pansin maging open minded na lang po sana tayo kase malaking tulong na po siguro sa kanya yung pagrespeto sa trabaho nya and kame kasama yung mga nakatag is way lang namen to para maging open sana yung iba💕 share nyo na lang para aware sila. Godbless
source
"Happy Birthday... " Nakita Nila Ang Lalakeng Ito Na Nasa Isang Fast Food Chain Pero Hindi Naman Kumakain At Ang Order Ay Para Lang Sa Kanyang Apo. Kilalanin Si Kuya Boy At Tiyak Hahanga Rin Kayo. - News Info Ph
Reviewed by Tunying
on
September 12, 2017
Rating:
No comments