"Nauna Man Ang Birth Certificate, Gagawin Ko Lahat Para Magkadiploma Ako" Party Girl Noon, Dedicated Mom Ngayon. Basahin Ang Nakaka-INSPIRE Na Kwento Ng Isang Teen Mom. - News Info Ph


"Nauna Man Ang Birth Certificate, Gagawin Ko Lahat Para Magkadiploma Ako" Party Girl Noon, Dedicated Mom Ngayon. Basahin Ang Nakaka-INSPIRE Na Kwento Ng Isang Teen Mom. - News Info Ph

Maraming kabataan na sa murang edad ay nagiging  mapusok pagdating sa pag-ibig kaya tumataas ang bilang ng batang ama at batang ina. Sa una ay masasabi nilang madali dahil may mga magulang na handang tanggapin sila kahit ano mang pagkakamali na nagawa nila. Pero hanggang saan nila kakayanin ang pagiging maagang magulang sa isang sanggol? Paano nila ito bubuhayin ng sarili nilang pagsisikap gayong hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral dahil nga sa maaga silang  namulat sa responsibilidad?

Yan ang madalas na tanong ng ibang tao dahil sa ating bansa likas sa atin ang pagiging konserbatibo. 

Pero nasa tao pa rin yan kung magpapatalo ka sa mga matang mapanghusga dahil sa nagawa mong pagkakamali. Kung hindi ka babangon sa iyong pagkakadapa. Tulad ng kwento ng isang teen mom, Margaurette Borinaga, na tinalikuran ang pagiging party girl at naging dedicated mom. 



I want to share kung anong pinagdaanan ko nung nabuntis ako hanggang sa manganak ako. 😊 Sabi nga nila hindi biro maging isang batang ina o maging ina. Bakit? Kasi lahat ng nakaraang gawain mo ay kaylangan mong talikuran. 

Ako ksi yung taong palainum, gala, party dto party don na tao at halos mapabayaan na ang pagaaral, halos sa tropa ko lang umiikot ang mundo ko. Pero simula nalaman kong buntis ako hindi ko alam paano ko natigil lahat ng bisyo ko tulad ng pagyoyosi at paginom ng alak. Yun tipong inisip ko lang eh yung health ng magging anak ko. Hndi ko pinagisipan ng masama ang anak ko. Una kinabahan ako pero may halong saya. 😊 

Ang hirap palang magbuntis ng wala kang karamay magkalayo kayo ng taong mahal mo. Yung naglilihi ka pero hndi mo makain ung gusto mong kainin ung gsto mo ng yakap pero wala eh. Kaya tiis nalang. Nung inilabas ko baby ko, sobrang saya kasi worth it lahat ng pinaghirapan ko at pagtitiis ko. Dun ako nagsimulang mangarap na kaylangan ko magtapos ng pagaaral para sa kinabukasan ng anak ko. 

Yung tipong Pinagsasabay ko ngayon ang pagaaral at pagging nanay sa pinakamamahal kong anak, 2 months palang ako nung manganak nagaral nako, andyan yung nabibinat nako pero tuloy parin ang buhay bes. Pakatatag lang. Mahirap pero Pag may inspirasyon ka lahat magagawa mo. 

Hndi biro maging isang batang ina yung tipong malilimutan mo na magayos ng sarili mo dibale ng panget ka basta maganda anak mo at kung dati panay libre ngayon nag babudget na hndi ko nalang iniintindi sinasabi ng ibang kaibigan ko na nagiging kuripot nako kasi hndi naman nila naiintindihan yung sitwasyon ko ngayon.

Hndi kana makalabas ng bahay kung kelan mo gusto kasi may dpat kang mas bgyan ng time kasi yung free time mo nlng maibbgay mo sa anak mo lalo na kung nagaaral ka. Lahat ng chismis narinig ko, pinagusapan ako ng mga tao lalo na mga kagalit ko sige ang chismis sakin pero pinabayaan ko sila kasi mga wala lang magawa sa buhay yan. Alam nyo lang ang pangalan ko pero hndi ang storya at pinagdaanan ko. 

May mga bagay na minsan tnatanong ko na lord bakit ganto ngyari sakin? Pero isa lang ang sagot dyan, ginawa yan ni lord kasi may plano sya satin. And i think eto yung naging daan nya para magbago ako.

Kaya sa mga batang ina dyan na hinarap ang responsibilidad sa anak nila saludo ako sainyo dahil hndi nyo naisipang ipatanggal ang anak nyo. Ginusto natin to kaya harapin natin at maging responsable tayo para sa anak natin.

Hndi porke nabuntis at nagkaanak ng maaga eh wala ng pangarap sa buhay. Kung masama ang tingin saakin ng iba, ipapakita ko mismo sa anak ko na isa akong mabuting ina. πŸ˜ŠπŸ™πŸ»
At sa mga Lalaking Magaling lang sa kAMA pero hndi marunong maging AMA. Makonsensya kayo.

At sa mga taong nang mamaliit sakin papatunayan ko sainyo na babangon ako.

Ps: hndi ko sinasabing tularan nyo ang pagging isang batang ina ko o magpabuntis ng maaga. Kung maiiwasan, e iwasan nyo kasi mahirap talaga. Pero kung mangyari sainyo to tularan nyo ko sa pagging matapang at pagharap sa responsibilidad. 😊❤️

Maraming salamat Lord. πŸ˜ŠπŸ™πŸ»

Pinost ko po ito dahil gusto kong mainspire yung mga katulad ko na hndi hadlang ang pagkakaron ng anak para tumigil sa pangangarap. Mas kaylangan mong mangarap para sa kinabukasan mo at ng anak mo πŸ˜ŠπŸ’•

Nauna man ang birthcertificate, pero gagawin ko lahat para magkadiploma ako 😊

May mga caption yung mga pic kayo na po bahala kung babasahin nyo pa hehe. 😊😘😘


Aug 12,2016. 7 days na kong delay kaya naisipan kong mag PT. At eto na nga positive kagad. Then pumunta ako sa OB after neto para isure, and ayun pinag PT ako then positive ulit. May halong kaba na masaya 😊


Aug.20,2016. First ultrasound ko, nagulat ako 6 weeks na pala si baby 😊 pero wala pa syang hearbeat :( buti nlng after 1 month na nag ultrasound ako ulit may Heartbeat na sya. Hays, thank you lord kinabahan ako gabi gabi ako nun hndi makatulog. πŸ˜₯


8 months tong ultrasound ko, Gusto ko kasi girl talaga, pero ok lang kahit anong ibigay ni god pero Grabe Baby girl talaga binigay nya sakin gusto ko sumigaw sa saya hahaha kaso nakakahiya πŸ˜‚


2 months tyan ko, nahospital ako ng 3 days. Nagspotting ako πŸ˜₯ kinabahan ako tas hinang hina na yung katawan ko 😞 akala ko bibighay nako akala ko hndi ko na kya kasi sobrang selan ng pagbubuntis ko pumayat na ako dyan. 😞


3 months tyan ko dito, pumapasok pa ko sa school minsan kaso hndi ko na pla talaga kaya. πŸ˜₯


At the second time nahospital nanaman ako ng 3 days. 5 months na si baby dyan. Sabi ng Ob ko kaylangan ko daw talga ng bed rest kasi mahina kapit ni baby tapos may asthma pako. Sobra paghihirap ko, tapos yung wala ka pang karamay o boyfriend o pamilya sa tabi mo 😞 pero ok lang dahil malakas loob ko nalagpasan ko to 😊


At the second time nahospital nanaman ako ng 3 days. 5 months na si baby dyan. Sabi ng Ob ko kaylangan ko daw talga ng bed rest kasi mahina kapit ni baby tapos may asthma pako. Sobra paghihirap ko, tapos yung wala ka pang karamay o boyfriend o pamilya sa tabi mo 😞 pero ok lang dahil malakas loob ko nalagpasan ko to 😊


7 months na tiyan ko dito. Ang liit diba? Blooming ang ate mo hahahah di halatang baby girl ang anak hane? πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚


April, Kabuwanan ko na to, nakalunok ng pakwan. πŸ˜…


Nag pa 3d/4d ako para makita mukha ni baby kahit 8 months na tiyan ko haha. Kaso hndi na makita sideview nalang nakita ksi nakaharang na daw yung inunan sa mukha nya 😐


April 4 ng umaga sakto check up ko nag ina-IE ako ng OB ko then binigyan nako ng waiver para pag naglabor ako isasubmit ko nalang sa Hospital at alam na nila kagad kung san ang room ko at ang gagawin kasi ang due date ko is april 17 s huling ultrasound ko. then nung hapon ng april 4 nag bleeding ako hndi panubigan ang lumabas sakin, DUGO kaya sobrang sakit. Nagpunta na kami ng hospital and then grabe hirap ng labor ko ilan oras nako naglelabor pero mag 2cm palang yung cervix ko hndi sya nabuka may pampahilab na din yung dextrose ko kaso humihina na heartbeat ni baby pag humihilab ksi bantay sarado ng nurse yung Tyan ko magdamag. Then kinabuksan nag decide na yung doctora ko na hanggang hapon papahilabin pag hndi parin daw bumuka cervix ko iCCS nako pero sabi ko ics na ko ksi hndi ko na kaya. Grabe kaba ko nun kala ko mamamatay nako, pinatupi ako tas tinurukan ng anesthesia sa spinal. Then 9:51 in the morning APRIL 5 2017 sinilang ko ang pinakamagandang Sanggol sa balat ng lupa haha. Char ❤️


Ayan oh ang haba ng baby ko 😍


After 24 hrs. Unang pic namin. Maga pa mukha ko dyan haha. Pinakamasarap na feeling to. Tanggal lahat ng pagod. πŸ’•


And then 1 day. Hndi ko inaasahan na mangyayari to kasi sobrang healthy nya kahit sa new born screening walang nakitang sakit saknya. After 2 weeks napansin kong nagiiba kulay nya tas naninilaw sya, tapos nagkasinat sya dinala ko kagad sya sa hospital tapos tinest ung dugo nya, mataas yung WHITE BLOOD CELL Niya na tinatawag na Sepsis tas bingyan lang sya ng Cefalexin and ceelin for 1 week tas ibabalik namim sya kaso after 1 week tinest ulit dugo nya mataas pa din WBC nya kaya nagdecide nako na ipa confine sya kasi baka lumala 😞


April 26,2017 Dinala namin sya Sa Clinica Antipolo wellness hospital. Dun sya naadmit ng 4 days. Isang munting supling na hindi deserve ang mahirapan ng ganito 😞 kung pwde lang ilipat sakin sakit mo bi. Akin nlang yan 😞April 26,2017 Dinala namin sya Sa Clinica Antipolo wellness hospital. Dun sya naadmit ng 4 days. Isang munting supling na hindi deserve ang mahirapan ng ganito 😞 kung pwde lang ilipat sakin sakit mo bi. Akin nlang yan 😞


Kinontak ko ang bishop ng antipolo tapos nagpadala sya ng Members ng Latter day saints para ibless si athena na gumaling kagad.. Salamat po sainyo dahil tinupad ni lord ang dasal natin..


Lahat ng dapat gawin pinagawa ko na sknya, pinatignan namin sya sa Cardiologist kasi sabi ng pedia nya may naririnig dw na Mer Mer sound sa Puso nya pero sa awa ng diyos malinis ang heart ni baby. ❤️


Pina xray ko din buong katawan at internal organs nya kung may diperensya nakalimutan ko anong tawag dun. And thanks god again wala naman din problema :)


Eto ang pinakamahirap sa lahat makitang hirap na hirap ang anak mo nilagyan sya ng oxygen ksi nahirapan syang huminga.


Puyat, pagod, gutom dinanas ko nagbebreastfeed pa ako, hndi ako makaalis sa tabi nya. Naiiyak ako sa tuwing nakikita syang ganyan. And after 4 days ng gamutan nya 3 times a day sya tinuturukan ng antibiotics pra sa dugo nya i decided na iuwi na sya ksi naaawa nako dahil wala ng mapaglagyan dextrose niya maga na mga kamay at paa nya kaya yung 3 days na natira na dapat iinject sakanya napunta na lang kami sa hospital 3 times a day pabalik balik hanggang sa matapos yung gamot, talagang tiis para gumaling sya. Hays.


Eto yung after 4 days inuwi na namin sya laki ng pinagbago ng kulay nya lumabas na ung katisayan nya kasi nalinis na yung dugo nya 😊 welcome home mahal ko❤️


1st month celebration ng munting anghel ko 😊 hays thank you lord wala na syang sakit at healthy na sya. πŸ’•


Her second month Celebration ang healthy na ng baby ko. Napakabait na bata ❤️


Ayan na sya ngayon. 😊 napkataba, napakatalino, napakabait na bata. Healthy na healthy thank you so much lord 😊❤️




"Nauna Man Ang Birth Certificate, Gagawin Ko Lahat Para Magkadiploma Ako" Party Girl Noon, Dedicated Mom Ngayon. Basahin Ang Nakaka-INSPIRE Na Kwento Ng Isang Teen Mom. - News Info Ph  "Nauna Man Ang Birth Certificate, Gagawin Ko Lahat Para Magkadiploma Ako" Party Girl Noon, Dedicated Mom Ngayon. Basahin Ang Nakaka-INSPIRE Na Kwento Ng Isang Teen Mom. - News Info Ph Reviewed by Tunying on September 11, 2017 Rating: 5

No comments