"Sorry, I'm Sorry Mahal Kasi Sobrang G*g* At K**al Ko" Basahin Ang Mensahe Ng Lalake Na Ito Sa Kanyang Girlfriend At Ma-INSPIRE Sa Kwento. -NEWS INFO PH


"Sorry, I'm Sorry Mahal Kasi Sobrang G*g* At K**al Ko" Basahin Ang Mensahe Ng Lalake Na Ito Sa Kanyang Girlfriend At Ma-INSPIRE Sa Kwento. -NEWS INFO PH

A facebook post made by Prince Lalic is now having its round on the social media. He shared his experience from being a happy-go-lucky go into a one of a kind future dad.

He admitted that he's the type of guy that every girl doesn't want because of his lifestyle. A very outgoing and happy-go-lucky, spoiled brat, who failed each and every subjects he had. But everything has changed after her girlfriend got pregnant. He went from zero to hero. The guy that every girl is dreaming of. The guy that stand for what he think is right for their future and will do everything just to make his love ones happy.

"Im so blessed"
Ako yung tipong lalake na happy go lucky lage. Pa easy easy lang sa buhay kasi nakukuha ko lahat ng gusto ko kasi nga "Spoiled" ako. Oo inaamin ko, Pasaway ako, matigas ulo. Masyado ako mabarkada. Mas inuuna ko ang paglalaboy at kung ano anong bisyo kesa priorities ko. Sa panahon ngayon, Sobrang daming nabubuntis sa hindi tamang edad. Lalo na ngayon talamak ang kupal na lalake. Or mas kilala sa term na "F**kboy" na galaw dito galaw don. Tas pag naka buntis. Ano? Takbo? Ang gusto ipalaglag? Mas lakas kayo ng loob makipag sx. Pero wala kayong bayag para panagutan yun.



SORRY, I'm sorry mahal sa lahat ng sakit ng ulo na naibigay ko sayo. Sorry kung masyado ako naging kampante. Sorry kasi sobrang gago at kupal ko. Wala ako ginawa kundi bumarkada. Maglaboy, Maginom. Pero hindi man lang kita maisip na ikaw buntis at nagpapakahirap dalin si baby. Sa bahay puro games lang ako. Wala ako inatupag kundi ang maglaro ng maglaro. Pagkatapos maglaro, Lalaboy. Sorry kung mas inuna ko pa yun kesa sa mga priorities ko. Sorry kung hindi ko pinakinggan na ayusin ko ang pagaaral ko kaya ngayon ang dami kong failed subjects. Sorry, kasi kahit buntis ka napapaiyak kita. Sorry, kasi minsan sinasabayan ko pa pag susumpong mo na parang ako pa yung buntis.



But, THANKYOU! Thankyou kasi tinanggap mo padin ako. Tinanggap mo padin ako ng buo pagkatapos ng mga nagawa kong kasalanan sayo, Tinanggap mo padin ako pagkatapos ng sakit na naibigay ko sayo. Sobrang thankful ako kasi meron akong girlfriend or soon to be wife na sobrang mapagpatawad at mapagbigay. Siguro kung ibang babae yun nagawan ko ng mga ganon kakupalan, Wala na. Baka naghahabol na ako ngayon sa hangin. Sobrang thankyou kasi nandyan kapa din sa tabi ko at hindi mo ko iniiwan, Napaka daming chances na ang binigay mo sakin. Alam kong hindi ko na deserve yun. Pero thankyou kasi nagtiwala kapa din na magbabago ako.

Sana sa lahat ng lalake dyan na kagaya ko, Magisip isip na kayo. Wag nyo na sana intayin tamaan kayo ng karma. Wag nyo na sana intayin mawala pa yung taong nagmamahal sainyo ng sobra, Wag nyo na sana intayin na masira ang lahat lahat ng binuo nyo dahil lang sa saglit na kasiyahan. Tandaan nyo/natin. Lageng nasa huli ang pagsisisi, Wag natin hayaan na masawa sila at iwan tayo ng tuluyan dahil sa mga katarantaduhan at kagaguhan naten sa buhay. Hanggat buhay tayo, Pwedeng pwede naman magbago kung gugustuhin mo talaga.

At sana sa mga lalakeng patuloy sa pagiging "F**KBOY" nila. Tigil nyo na yan, At kung may mabuo. Sana mga tol wag nyo takbuhan mga responsibilidad nyo. Ginusto nyo yan e, Meron kayo pang pasok. Pero pag may nabuo wala na kayong mga bayag para panagutan to. Magbago na kayo hanggat may oras pa. Wag nyo na intayin sapakin kayo ng karma. Hindi naman buhay nyo nasisira.

Sobrang sarap sa feeling ng may sarile ng pamilya. Alam ko sa ngayon wala pa akong sarileng pera para buhayin ang sarile kong pamilya. Pero sila ang inspirasyon ko para lalo ako magbuti sa pagaaral at makapagtapos agad.




Sobrang sarap sa feeling ng may tatawag sayong "DADDY" wala ng mas sasarap pa.
Thankyou mahal! Shiela Ann Bitancor ❤️ Thankyou for everything. Thankyou at nandyan kapa din sa tabi ko.




Thankyou din sa parents namin na walang sawang sumusuporta samin. ❤️
And thankyou papa god! Thankyou lord!!!! ☝️🙏🏻 Binigyan nyo kami ng baby angel. Binigyan nyo ako ng dahilan para lalong ayusin ang buhay ko. ❤️
PS : Basahin nyo description bawat pictures. Share ko lang ng bahagya paano kami nagkakilala. ❤️
#ChangeIsComing
#ProudDaddy
#BabyAzi❤️



*Eto yung unang una kitang makita, Kasi inadd mo ko sa fb nun May 2015. Sabi ko "Wow ang ganda nun nag add sakin" So syempre ako inistalk naman kita. Pero pagpunta ko sa profile mo. Bakit ganon? Ang unti ng friends? Ang unti din ng pictures mo sa profile mo? So parang medyo nagalinlangan ako. Chinat kita, Akala ko kasi nung una poser ka. Hinihingi ko number mo ayaw mo ibigay. Pero kinagabihan binigay mo din. Tas sabi ko, Totoo ka ba talaga? HAHAHAHAHA. Like wtf, Ang weird ng tanong ko. Tas ayun ka, Nag offer na mag skype tayo that time para mapatunayan mo sakin na nag eexist ka   Natuwa ako kasi totoo ka nga. Hahahahahaha at sorry kung naoffend kita nun kasi akala ko poser ka talaga mahal.


*this is our first meet, Sobrang swerte! Kasi gustong gusto na kita makita nun in person kaso taga tanay ka e di pa ako masyado familiar papuntang tanay nun. Eh nagkataon na may bridal competition ka sa may SM taytay. Akala ko trip lang na makikipag meet ka sakin. Kasi syempre, Iba na panahon ngayon. Tas ilang araw palang ata tayo nun nagkakausap. Pinagbigyan lang talaga ako ni lord na makita ka agad.    Kaso medyo makapal ang muka ko. Hahahahahahaha. Inaamin ko, syempre galawan breezy. Joke   Dahil unang meet natin ayan ganyan agad kadikit muka naten. Masyado ako na starstruck sa itsura mo nung una kitang makita e  



*So after a year. Anniversary naten, One of my friend nag offer satin na iphotoshoot nya tayo. So syempre parehas naman tayo mahilig sa pictures. Go lang   After ng photoshoot. Syempre excited na ako agad ipost yun. Then, i posted our picture AGAD AGAD. Madaming nag comment sa theme ng photoshoot naten. Para daw "Pre-nup" Kelan daw tayo ikakasal. Etc blablabla. Tapos ngayon, nagka totoo na. Ganon ba talaga? Oh sadyang coincidence lang? Ikakasal na tayo by year of 2018. So we dont need to shoot for our prenuptial. Meron na tayo. Hahahahahaha — with Shiela Ann Bitancor.



*Spot the difference. Wala naman diba? Wala naman pinagkaiba. Year 2016 and 2017. Nawawala na kasi self-esteem mo. Lage mo sinasabe sa sarile mo na ang panget panget mo na. Nahihiya kana sakin, Hindi kana nagaayos. Lage mo tinatanong sakin "Mahal panget na ba ako" "Maganda pa ba ako sa paningin mo" Sa tuwing natutulog ka, Kagaya padin dati. Ang sarap mo titigan. Kahit halos buong araw ako naka titig sayo hindi ako magsasawang tingnan ka. Ganon at ganon padin, Sobrang ganda mo padin! Ang unfair nga e. Bakit ganon? Buntis kana pero ang ganda ganda mo padin?   Bakit parang walang nagbabago. Sana makita mo padin yung kagandahan mo. Sana wag ka mawalan ng confident sa sarile mo. Dumating lang si baby ibig sabihin panget ka na? Ganon ba? Hindi mo alam kung gaano padin ako gandang ganda sayo.  




3/3 *Wala kang ginawa kundi kumain. Wala din naman ako ginawa kundi ibigay ang mga gusto mong pagkain. Tapos pag tumataba ka sasabihin mo ang taba mo na. Hahahahaha bakit kaya ganon? Hahahaha. Tas sobrang natutuwa ako kasi sa tuwing may dala akong food sayo para kang hindi nakakain ng isang linggo. Para kang ginugutom pag nakakita kana ng pagkain. Sasabihin mo "Gutom kasi si baby e :(" Si baby o ikaw? Baka naman dinadahilan mo lang si baby?   ultimo napaka liit na biscuit pag may dala ako sayo. Tuwang tuwa kana. Mas natutuwa ako kasi sobra mong na aappreciate kahit maliit na bagay na binibigay ko sayo   — with Shiela Ann Bitancor.



*She doesnt have any idea how beautiful she is. Sobrang ganda ng view ko!!!!   Kahit siguro buong araw ako naka titig sayo hindi ako magsasawa. Pagka naka tingin ka kung saan. Naka titig ako sayo at kinakausap ko ang sarile ko "Eto ba talaga mapapangasawa ko?" "Eto ba mommy ng baby ko?" "Eto ba yung makakasama ko sa pang araw araw sa buhay ko?" Hindi ko alam kung gaano ba ako kaswerte. Wala na e. Wala na akong mahihiling pang iba kung hindi good health para sainyo ni baby   Binigay na sakin ni lord lahat. Siguro kailangan ko nalang alagaan at pahalagahan yung treasure na binigay nya



*Wala na ako hiling pang iba kundi ang makasama kayo ni baby sa buong buhay ko. Ang ganda ganda mo padin nakakainis mahal   


"Sorry, I'm Sorry Mahal Kasi Sobrang G*g* At K**al Ko" Basahin Ang Mensahe Ng Lalake Na Ito Sa Kanyang Girlfriend At Ma-INSPIRE Sa Kwento. -NEWS INFO PH  "Sorry, I'm Sorry Mahal Kasi Sobrang G*g* At K**al Ko" Basahin Ang Mensahe Ng Lalake Na Ito Sa Kanyang Girlfriend At Ma-INSPIRE Sa Kwento. -NEWS INFO PH Reviewed by Tunying on September 14, 2017 Rating: 5

No comments