Sumakay Sila Sa Isang Sikat Na Bus Liner At Hindi Nila Inaasahan Na Pabababain Sila Ng Kundoktor. Alamin Niyo Po Kung Bakit. - NEWS INFO



Sumakay Sila Sa Isang Sikat Na Bus Liner At Hindi Nila Inaasahan Na Pabababain Sila Ng Kundoktor. Alamin Niyo Po Kung Bakit.

Marami na tayong nababalitaan na may mga kundoktor ang tumatanggi sa ibang pasahero dahil lang sa itsura, pananamit, at mga bitbitin. Ilang beses na itong kumalat sa social media at nabalita pero tila yata wala pa ring nagbago sa iilang kundoktor.

Noong una ay matanda ang tinanggihan dahil sa may bitbit na malaking bag, sumunod ay ang pagpapababa ng isang kundoktor dahil lang sa maliit na kulang sa pamasahe ng isang matanda. Nabalita rin ang aeta na tinanggihan ng bus driver.

At heto naulit na naman di umano ang ganitong gawain ng iilang kundoktor. Kung saan may sumakay ang dalawang aeta sa bus pero agad din silang pinababa. Kahit pa nagsabi ang isa na magbabayad naman sila.

Basahin ang kwento ng isang netizen na nakasaksi di umano sa maling gawa ng kundoktor.

Grabe yung Victory(aircon) na nasakyan ko! . May dalawang Aeta(matandang babae at  binata).   sumakay bandang san antonio zambales.  . 

Tapos yung nakaupo na sila.  Pinuntahan sila ng kondoktor,  tinanung kung san cla.  Sabi ng binatang Aeta ''SA BOTOLAN''.  Umalis bigla yung kondoktor at pinuntahan yung driver. (after 10mins.) 

Bumalik ulit yung kondoktor sakanila. Bandang san narciso zambales na kmi.    Tapos sabay sabi ng kondoktor ''baba nalang kayo," . Sabi ng Aetang matanda "mag kanu ba pamasahe ading at mag babayad naman kami" . Tapos umalis ulit yung kondoktor at binuksan na yung pinto at tinawag cla para bumaba.  


Jusko namn.  Hndi ko lng maintndihan bakit kelangan pababain cla?? Bkit cla namimili ng pasahero??    



May pampayad naman sila. Anung klaseng tao ba tung kondoktor at driver.  Bakit kelangan pababain dahil ba aeta cla at mukang walang pambayad??!!  Wtf!  Iba gigil ko sa hayop na kondoktor na yun.  !!! 😡Sobrang nakakaawa sila . 


Ako pa nahihiya s ginawa ng kupal na kondoktor na yun.  😠 sana naisip dn nya anong oras na at hirap na sumakay sa oras na tu tapos pabababain nya.  Walang hiyang animal na kondoktor na yun. 😣😠😡#1219

Sumakay Sila Sa Isang Sikat Na Bus Liner At Hindi Nila Inaasahan Na Pabababain Sila Ng Kundoktor. Alamin Niyo Po Kung Bakit. - NEWS INFO Sumakay Sila Sa Isang Sikat Na Bus Liner At Hindi Nila Inaasahan Na Pabababain Sila Ng Kundoktor. Alamin Niyo Po Kung Bakit. - NEWS INFO Reviewed by Tunying on September 27, 2017 Rating: 5

No comments